Miyerkules, Enero 18, 2012

FILIPINO 3

 Pandiwang Panuring


1. Ako ay kumain nang Durian.                    -Pangngalan

2. Umiyak nang malakas si Kristine.             -Pang-uri

3. Ako ay gumising nang maaga.              -Pang-abay

4..Ako ay nagulat nang siya ay sumigaw. -Panghalip  

5. Tumakbo nang matulin si Princess.          -Pang-uri

Inuulit

1.Kain nang kain


2.Sulat nang sulat


3.Bura nang bura


4.Magbasa nang magbasa


5.Tulog nang tulog


Pangatnig

1.Ang unggoy ay umakyat nang mabilis.


2.Namatay ang aking aso nang nasagasaan.


3.Bumagsak ang poste nang natamaan ng kidlat.

4.Nasira ang telepono ni Kristine nang nahulog.


5.Tumawa sila nang ako ay nadapa.


Linggo, Disyembre 11, 2011

Pag-ibig


PAG-IBIG
            Ang pag-ibig ay may napakalawak na kahulugan. Ang pag-ibig ay nararamdaman natin bigla nang di namamalayan, nagkakaroon na lang ng mahigit na admirasyon, importansya, pasasalamat at kung anu-ano pang pakiramdam sa mga minamahal. Ang pag-ibig ay sadyang makapangyarihan.
            Maraming maaaring layunin ang pag-ibig, isa narito ay ang makapagbigay ng kasiyahan sa tao, alam naman natin na pag may pag-ibig lahat ay nagkakaisa kaya mas sumasaya pero wag nating kaligtaan na ang kasiyahan ay may kalakip na kalungkutan, gaya rin ito ng pag-ibig hindi lahat ay puro masaya may mga pagdadaanan ito na maaaring makapagpatibay pa ng husto sa pag-ibig.
            Ang pag-ibig na dapat nating una maramdaman ay ang pag-ibig sa Diyos, dahil sya mismo ang lumikha sa atin na dapat ikagalak natin ito at mapalad tayo na binigyan ng pagkakataon upang mabuhay. At pangalawa pag-ibig para sa ating mga magulang dahil sila mismo ang nagpalaki, umaruga at walang sawang minahal tayo ng sobra-sobra.
            Makakamit natin ang pag-ibig kung tayo’y umiibig at magmamahal ng tunay sa paraang pahahalagahan at iingatan ang pinagkatiwalang pag-ibig sa atin at hinding-hindi sisirain ang mga pangako na binigay upang mas tumibay pa ang pagsasamahan at ang nararamdamang pag-ibig sa isa’t-isa.
            Napakahalaga ng pag-ibig dahil nagsisimbolo ito ng kapayapaan at nagsisilbing inspirasyon sa buhay at gabay patungo sa kabutihan.