Linggo, Disyembre 11, 2011

Pag-ibig


PAG-IBIG
            Ang pag-ibig ay may napakalawak na kahulugan. Ang pag-ibig ay nararamdaman natin bigla nang di namamalayan, nagkakaroon na lang ng mahigit na admirasyon, importansya, pasasalamat at kung anu-ano pang pakiramdam sa mga minamahal. Ang pag-ibig ay sadyang makapangyarihan.
            Maraming maaaring layunin ang pag-ibig, isa narito ay ang makapagbigay ng kasiyahan sa tao, alam naman natin na pag may pag-ibig lahat ay nagkakaisa kaya mas sumasaya pero wag nating kaligtaan na ang kasiyahan ay may kalakip na kalungkutan, gaya rin ito ng pag-ibig hindi lahat ay puro masaya may mga pagdadaanan ito na maaaring makapagpatibay pa ng husto sa pag-ibig.
            Ang pag-ibig na dapat nating una maramdaman ay ang pag-ibig sa Diyos, dahil sya mismo ang lumikha sa atin na dapat ikagalak natin ito at mapalad tayo na binigyan ng pagkakataon upang mabuhay. At pangalawa pag-ibig para sa ating mga magulang dahil sila mismo ang nagpalaki, umaruga at walang sawang minahal tayo ng sobra-sobra.
            Makakamit natin ang pag-ibig kung tayo’y umiibig at magmamahal ng tunay sa paraang pahahalagahan at iingatan ang pinagkatiwalang pag-ibig sa atin at hinding-hindi sisirain ang mga pangako na binigay upang mas tumibay pa ang pagsasamahan at ang nararamdamang pag-ibig sa isa’t-isa.
            Napakahalaga ng pag-ibig dahil nagsisimbolo ito ng kapayapaan at nagsisilbing inspirasyon sa buhay at gabay patungo sa kabutihan.